Ternski


Eto ang ilan sa madaming mga sapatos na matatagpuan mo dito sa aming bahay. Karamihan sa mga sapatos na makikita mo dito ay sa akin. Nakahiligan ko na kasi ang bumili ng sapatos. Hindi naman kasi ako kagandahan kaya hindi ako mahilig bumili ng damit tapos maliit lang ang sukat ng aking mga paa kung kaya't kapag may nakita akong magandang humog ng sapatos sa aking paa, binibili ko na ito kaagad-agad.





Ngunit, sa dami ng mga sapatos ko dito sa aming bahay... Nakakatawang isipin na ang nakahiligan ko pang ilahok ay ang sapatos ng aking kapatid na lalaki. Ang dilaw na Air Jordan shoes na ito ang isa sa dalawang pares ng sapatos na binili ng kapatid ko para sa kanya. Hilig kasi niya ang basketbol kung kaya't ang istyle niya sa kanyang mga kasuotan ay galing sa kanyang inspirasyon sa isport na basketbol.




Napaka-gara kasi at medyo sosyal ang dating ng sapatos na ito. Ilang araw din niyang pinag-ipunan ang pagkakaroon ng ganitong sapatos. Sa wakas nagkaron din siya. Ang maganda naman kasi sa kapatid ko, inaalagaan niya ang kanyang mga sapatos kaya kahit ilang buwan na sa kanya ang sapatos na ito ay mukhang bago pa rin. Bukod pa doon, bibihira niyang ginagamit ang kanyang sapatos, bukod nalang sa mga ispesyal na mga okasyon na hindi niya kinakailangang magsuot ng masyadong pormal.



Sana kahit papaano, nagustuhan ninyo ang aking mga larawan ng ilan sa aking mga sapatos lalo na ang sapatos ng aking kapatid.


Hanggang sa susunod! Magandang araw!
Labels: , , | edit post
6 Responses
  1. SASSY MOM Says:

    Ang gaganda ng mga sapatos mo, guto ko yung disenyo ng checkered brown. Kakaiba din ang rubber shoes ng kapatid mo. Kakaiba.


  2. Anonymous Says:

    Yung shoes ng brother mo ang sinasabing value for money. Matibay s'ya at matagal magagamit lalo na at maingat naman pala sa gamit ang kapatid mo.


  3. Ternski Says:

    @ Sassy mom - salamat! mahilig talaga akong bumili ng shoes.. pero d lang ordinary shoes medyo gusto ko unique ang mga sapatos ko.. pero siguro sa dami ng mga sapatos ko dito, hindi lahat nasusuot ko..

    sa totoo lang.. yung checkred na black & white, 2x ko palang nagagamit at nung 2005 ko pa yun binili..haha

    tapos yung brown naman, 2006 ko binili tapos isang beses ko palang nagamit..

    yung red, bagong bili ko last week.. 1 beses ko palang ginamit at nagmamadali ako nung binili ko yun kasi naka-heels ako nun at d na kinaya ng mga paa ko kaya bumili ako ng panibagong sapatos.. haha


  4. Ternski Says:

    @ Lynn --

    Dalawa na Air Jordan ang binili niya e.. isang black/red/white tapos yang yellow. second hand nga yan pareho, sa internet niya binili. worth it naman talaga.

    hanga nga ako sa kapatid ko kasi talagang alagang-alaga niya yung mga sapatos niya dito sa bahay. pagka-uwi niya sa bahay, nililinisan na niya kaagad yung sapatos na kakasuot lang niya tapos pina-polish pa niya (may ginagamit siya na pang-rubbershoes na polisher e) tapos may sarili siyang basahan para sa mga sapatos niya..

    ... yan ang dakila.. haha


  5. Anonymous Says:

    i lurve the yellow and black rubber shoes! :D

    ang aking sapatos ay andito naman:

    krismas gip :D

    HAPPY LP po! :)


  6. Ternski Says:

    hey yeye..

    salamat sa comment! i visited your blog! Hehe.. sa dami ng mga sapatos ko at sa dami ng mga gusto mong shoes.. dapat bilhin mo ilan sa mga shoes ko! =)


Post a Comment