Ternski


Hmmm... ano kaya ito? Isda?




Ohhh.. isang sardinas!! Napaka-sarap talaga ng sardinas na ginisa at nilagyan pa ng iba't ibang mga putahe upang magkaron ng ibang lasa. Pero sa pagkakataong ito, naisipan ko na painitin ang sardinas ng walang sahog sa mismong kalan kesa sa pag-gamit ng microwave oven. Ang rason kasi kung bakit hindi ko na siya pina-init sa microwave dahil iniiwasan ko ang pagputok ng isda at pagkalat nito sa loob ng microwave habang pinapa-init.



At heto ang masarap na sardinas na ulam ko kagahapon. Siyempre bilang isang pinoy, hindi naman kumpleto ang kainan kapag ang ulam ay walang kasamang kanin. =)



At siyempre, wag kakalimutan ang pang-himagas... isang masarap na leche-flan na gawa ng aking buting ina. Sarrap!!!
Labels: , , | edit post
9 Responses
  1. Yami Says:

    Sarap naman nito. Ay oo dudumi at mangangamoy ang microwave kung doon mo lang ininit ang sardinas. At ang sarap ng panghimagas mo ha. maalala ko meron pang isang lyanera ng leche flan sa ref namin. :-)


  2. upto6only Says:

    masarap ang sardinas. hapunan ko kahapon ay sardines pasta.

    Happy LP


  3. Mauie Flores Says:

    alam mo, simpleng ulam lang yan pero napakasarap lalo na pag tag-ulan.

    Sana'y magustuhan mo rin ang aking lahok: http://www.maureenflores.com/2009/08/litratong-pinoy-tanghalian-lunch.html


  4. Lynn Says:

    Masarap nga ito sa tag-ulan. Hindi ko pa na-try pero may mga kaibigan akong nilalahok ang sardinas sa pasta, substitute sa tuna. Ang sarap ng panghimagas mo.


  5. SASSY MOM Says:

    Sardinas... masarap sa mainit na kanin.


  6. yeye Says:

    kahit nagmahal na ang sardinas, mahal ko pa rin yan. hehehehehe

    bet ko ang spanish style sardines :)

    eto naman po ung akin :D

    Tanghalian

    HAPPY HUWEBEST KA-LP :D


  7. Ternski Says:

    @Yami: yum!! leche flan.. favourite ko talaga yan.. lalo na yung gawa mismo ng mama ko :P


    @upto6only: wow, sardines pasta.. eto siguro yung mga preserved sardines all by itself.. naku.. masarap nga rin yun e, ewan ko kung bakit d na un binibili ng mga magulang ko.

    @Lynn & Mauie Flores: yeah.. actually winter season nga ngayon dito kaya napakasarap na ulam talaga ang sardinas.


    thanks everyone for dropping by! =)


  8. esp Says:

    nice kat! ^^ i like this


  9. Ternski Says:

    thanks men! masmagugustuhan mo yang post ko kapag natikman mo mismo.. ahaha


Post a Comment