Ternski
May misyon ang nobyo ko... ito ay ang sundan ako sa Australya. May mahigit pitong taon na kaming magkasintahan, sa pitong taon na yun, limang taon kaming nasa isang long-distance relationship at isang beses kada dalawang taon ako umuuwi ng Pilipinas para magkita kame.

Matagal na nga kame, nasa hayskul palang kame ay magkasintahan na kame. Ngayon, nag-ttrabaho na siya at magtatapos na ako sa kolehiyo. Matagal na naming pinag-iisipan ang magsama na at ma-enjoy namin ang pagsasama namin bilang magkasintahan.

Matutupad kaya niya ang kaniyang misyon na puntahan ako dito? Abangan! =)
Labels: , | edit post
12 Responses
  1. emarene Says:

    how sweet naman ang misyon na ito. Dapat tuparin.


  2. Willa Says:

    wow! sweet naman ng love story nyo.I can't wait to read "and they live happily ever after.." :D


  3. Zee Says:

    how sweet naman at strong ng relationship nyo...ako naman at ang asawa ko nasa LDR din... one year na kaming naghihiwalay... ang hirap naman...


  4. Ternski Says:

    salamat, salamat po sa pag-drop by =)

    @ emarene: haay.. dapat talagang tuparin at sa lalong madaling panahaon. naiinip na ako XD.

    @ Willa: haha.. target niya na makarating na dito next year. Pero, naiinip na talaga ako =D.. sana nga happily ever after...

    @ Zee: Nasa LDR din pala kayo.. naku.. napakahirap nga.. lalo na ang unang taon, grabe, para kang na-biyuda lalo na mag-asawa pa naman kayo. Haay....


  5. lino Says:

    alam kong magagawa nya yan.... :) happy LP!... :)


  6. jennyL Says:

    wow believe ako sa long distance relationship nyo.. tested na yata ng panahon no.. kung talagang mahal ka nya at kayo ay para sa isat ia eh matutupad ang kanyang misyon


  7. Marites Says:

    naku, sana naman matupad niya. dumaan ako ng LDR. super hirap. go go fight! :)


  8. iska Says:

    gud luck kay bf... sana ay makasunod na sya!


  9. Ternski Says:

    wow.. ang daming magagandang comments para ma-encourage si bf sa kanyang misyon.

    @ lino and iska - salamat sa encouraging comment. sana mabasa to ni boyfriend.

    @ jennyL - yun din ang sinabi sa akin ng nanay ko noon.. kung kami talaga para sa isa't isa, gagawa ng paraan ang tadhana para magkasama kami... pero palagay ko maganda rin na LDR kame kasi nakakapag-concentrate kami sa pag-aaral namin noon. kaya ngayong tapos na kame, iniisip naman namin ang para sa aming dalawa. =)

    @ Marites - saksakan talaga ng hirap ng LDR.. sa totoo lang sawang-sawa na ako hahahaha!!! salamat po sa comment!


  10. Hubby Says:

    Love speaks for itself
    Love serves as an end in itself
    I need only keep my eyes on it
    I need only savor it
    I need not keep it
    For love will remain
    Of it's own free will
    And so begins the journey
    Which is just as enjoyable
    as reaching it's end...

    Love you Kat-Kat!


  11. Marc Cruz Says:

    Pagkasipagan mo ang iyong misyon! =D


  12. thess Says:

    Produkto din kami ni mister ng LDR...pagsikapan nyo lang at matutupad ang MISYON...goodluck =)


Post a Comment