Ternski


Ang mga sumusunod ay kuha ko sa beach na pinuntahan namin ng mga kaibigan ko sa Uacon, Zambales.


Haay.. hindi ba't napakasarap ang magbakasyon paminsan-minsan?


Napaka-simple at payak ang buhay sa probinsya lalo na kung malapit ka lamang sa beach. Palakad-lakad ka lang sa gilid habang nararamdaman ng mga paa mo ang buhangin... Nilalasap ang preskong simoy ng hangin... Nakatingin sa mga ulap... at Nakikinig sa alon.... haay.. tila ang bagal ng oras.


Sa tuwing namamasyal ako sa beach, dun mo lang ma-aapreciate ang ganda ng kapaligiran, ang pagbibigay importansya sa pahinga mula sa dami ng stress na ating hinaharap sa normal nating mga buhay... at ang pagmumuhay ng payak at simple.


Sana makabalik ulit ako sa beach, napaka-relaxing talaga ang mag-bakasyon!


Labels: , , , | edit post
4 Responses
  1. Yami Says:

    back to basic, presko, walang gaanong alalahanin...sana may Internet din para okay na. :)


  2. Ternski Says:

    hello Miriam =)

    ayos yun a! pero curious ako at maganda sigurong ma-experience yung magbakasyon ka na hindi masyadong nag-rerely sa technology... balak namin yun ng mga friends ko next time.. ang mag-tent at mag-campfire sa may beach.


  3. Marites Says:

    feel na feel ko iyong preskong hangin, nakakapaglinis ng ating lungs:) Ganda naman ng dagat, kakainggit!


  4. thess Says:

    Kung pwede ko lang liparin ang beach ngayon ginawa ko na!

    ganyan katindi epek ng shots mo sa akin ha ha!


Post a Comment