Hindi ba't nakakatuwang pagmasdan ang mga ibon? Noong bata pa ako habang naglalaro ako sa labas ng aming compound sa Cubao, kahit saan ako tumingin lalo na tuwing tanghali o hapon may makikita akong mga ibon na lumilipad o di kaya ay tumatambay sa itaas ng lubid ng kuryente. Habang tumatagal at lumilipas ang panahon, pakonti ng pakonti hanggang sa wala na akong makitang mga ibon sa paligid... siguro, isa ito sa malaking epekto ng sibilisasyon..Ngunit, noong namasyal nga kame ng aking kaibigan sa Melbourne museum dito sa Australia ako nakakita ulit ng mga ibon na makikita mo lang sa paligid, lalo na sa siyudad. Dito lang ako muling naaliw sa mga ibon na lumilipad sa palagid at dito ko lang din na-appreciate ang ginagawa ng gobyerno at ng mga taong naninirahan dito na mga aksyon para protektahan ang ating kalikasan. Sana, ganito din sila sa Maynila.




Post a Comment