Ternski

Halos lagpas isang linggo na ang nakakaraan simula ng nalaman namin ang malungkot na balitang namatay na ang Daddy ko. Nakakagulat, nakakalungkot at napakasakit... Hindi namin inaakalang bigla na siyang mawawala sa buhay namin.
Ito ang litrato ko kasama ng Nanay at Daddy ko noong nag-debut ako ilang taon ng nakakaraan. Heto at masaya kaming tatlo na naka-pose sa litrato. Isa ito sa mga paborito kong litrato, lalo na at kasa-kasama at katabi ko pa ang noo'y malusog at masiyahin kong lolo.
Alam ko na katulad mo e, excited na kaming makita ka, makasama ka at ma-celebrate natin ang iyong kaarawan sa Hong Kong kasama ang buong angkan.Nakaka-miss ka Daddy... kung nahintay mo lang sana ang pag-uwi naming lahat sa pasko para sa darating ninyong 50th wedding anniversary.. sana nakapiling ka man lang namin kahit sa pinaka-huling sandali.
Daddy, salamat sa lahat-lahat. Palagi kang buhay sa aking puso't isipan. Mahal na mahal kita. =)
uhmm.. p.s. wag mo akong mumultuhin hehehe.. matatakutin ako, alam mo yun!
Labels: , | edit post
4 Responses
  1. condolence, ha. may his soul rest in peace.

    by the way, bakit hindi nagdidisplay ng maayos ang date ng mga posts mo?


  2. Ternski Says:

    d ko nga alam e.. i've been trying to fix it since i made this blog.. papa-fix ko siguro sa marunong ng html at java..


  3. JoyD Says:

    My deepest condolence to you and your family..... My his soul rest in peace,,,,...

    Passing by to check you out...


  4. Ternski Says:

    Thanks for the sympathy.

    We miss him but life must go on.


Post a Comment